BUMWELTA | Tirada ng Pangulo sa simbahang Katolika, pantatakip lamang sa ‘malgovernance’

Manila, Philippines – Ipinagtataka ng mga obispo kung bakit hindi natatapos ang mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa simbahang Katolika.

Paniniwala ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, posibleng ginagawa ito ng Pangulo para pagtakpan ang mga maling gawain ng gobyerno mula sa publiko.

Aniya, ang atake ng Pangulo sa simbahan ay napapanahon at kalkulado para itago ang mga pagmamaniobra ng kanyang mga alagad sa pamahalaan.


Binanggit din ni Pabillo na ginagawang isyu ng media at taumbayan ang tirada ng Pangulo sa simbahan subalit hindi nito napapansin na may nangyayaring ‘malgovernance’.

Facebook Comments