LINGAYEN, PANGASINAN – Nakatakdang bakunahan ang mga buntis at breastfeeding mothers ngayong araw ika-27 ng Oktubre sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa abiso na inilabas ng Provincial Health Office (PHO), nakatakdang iturok ang 1, 000 doses ng moderna vaccine sa mga buntis na nasa ika-apat hanggang ika-siyam na buwan at ang mga breastfeeding mothers.
Magsisimula ang registration 7:00 ng umaga sa Pangasinan Training and Development Center II, Capitol Compound Lingayen Pangasinan.
Inaabisuhan ang mga magpapabakuna bukas na magdala ng government issued ID o birth certificate, ballpen at isuot ang face mask at face shield.
Ang mga buntis ay kabilang sa Expanded A3 ng Vaccination Program na naglalayong mabigyan ng dagdag proteksyon ang mga buntis mula sa COVID-19.
Matatandaan na una nang sinabi ng DOH, na lahat ng bakunang mayroong emergency use authorization sa Pilipinas ay pwedeng iturok sa buntis maliban sa Sputnik V ng Gamaleya.
Samantala, kabilang din sa babakunahan bukas ay ang mga indibidwal edad 18 pataas.###