BUNTIS CONGRESS 2022 SA CALASIAO, ISINAGAWA

Pinangunahan ng Municipal Health Office ang Buntis Congress 2022 kung saan isang nagkaroon ng seminars patungkol sa pagbubuntis at pagbibigay atensyong medikal sa mga kababaihan.
Hinikayat ng MHO ang ang dumalo sa programa na regular na magpacheck-up gaya ng pre-natal at post-natal check-up upang masigurado ang kalusugan ng kababayang ina at buntis.
Inabangan naman ng lahat ang Buntis Congress 2022 kung saan nagpasiklaban ang mga magagandang buntis.

Ito ay may temang “pagiging ina espesyal, ligtas na pagbubuntis at panganganak sa ati’y nakasalalay”. |ifmnews
Facebook Comments