STREET DANCERS SA LA UNION, NAGTAGISAN SA KAUNA-UNAHANG BATTLE OF FESTIVALS SA LALAWIGAN

Nagtagisan ang 20 kalahok mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa La Union sa kauna-unahang Battle of La Union Festivals: Street Dancing Competition na ginanap noong Pebrero 21, 2026 sa San Fernando City bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-176 na anibersaryo ng La Union.

Sa makukulay na kasuotan at sabayang galaw sa bawat tugtog, ipinakita ng mga kalahok ang kasiglahan at pagkakaisa habang isinasalaysay ang kani-kanilang kapistahan sa pamamagitan ng pagsasayaw.

Itinanghal na kampeon ang bayan ng Tubao, sinundan ng Balaoan bilang 1st runner-up, Bangar bilang 2nd runner-up, Pugo bilang 3rd runner-up, at Sudipen bilang 4th runner-up.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, tunay na ipinakita ng mga kalahok ang diwa ng pagkakaisa alinsunod sa tema ng anibersaryo ng La Union na “Rikna Ti Agkaysa”, na nagbigay-diin sa mayamang kultura at ipinagmamalaking pamana ng bawat bayan sa probinsya.

Facebook Comments