Buntis kabilang pa rin sa 6 na Positibo sa COVID-19 sa Region 2

*Cauayan City, Isabela*- Umakyat na sa sampu (10) ang bilang ng mga covid-19 patient sa buong Lambak ng Cagayan na nakarekober sa nasabing sakit matapos magnegatibo sa ikalawang covid-test.

Ayon kay Medical Center Chief Dr. Glenn Mathew Baggao ng CVMC, nagnegatibo sa ikalawang covid-test ang mga pasyenteng una ng nagpositibo sa nakamamatay na sakit.

Kinumpirma naman ni Dr. Baggao na nakauwi na ang pito (7) na pasyente sa kanilang mga tahanan habang nananatili sa pagamutan ang dalawang iba pa na patuloy pa rin na inoobserbahan ang kanilang kondisyon bago pauwiin.


Samantala, anim (6) nalang ang nananatiling covid positive sa Cagayan Valley Medical Center kabilang ang isang pitong (7) linggong buntis na patuloy na inoobserbahan dahil sa nakitaan ito ng sakit sa dugo o mababang white platelet.

Habang nagnegatibo na rin sa sakit ang 5 taong gulang na bata gayundin ang mga health workers na umalalay dito.

Facebook Comments