Ikinagalit ng wildlife officials sa Kerala, India ang pagkamatay ng isang buntis na elepante na pinakain umano ng pinya na pinalamanan ng pampasabog.
“Her jaw was broken and she was unable to eat after she chewed the pineapple and it exploded in her mouth,” pahayag ng chief wildlife warden na si Surendra Kumar sa Tribune India.
Nangyari ang insidente sa bayan sa Attappadi kung saan napadpad ang 15-taon-gulang na elepante para maghanap ng pagkain noong nakaraang Miyerkules.
Kilala umano ang mga residente sa naturang bayan na sadyang gumagamit ng mga paputok na itinatago sa prutas upang protektahan ang pananim mula sa mga hayop.
Batay sa nag-viral na Facebook post ng wildlife official na si Mohan Krishnan, namatay kalaunan ang elepante sa isang ilog sa Malappuram.
“When we saw her she was standing in the river, with her head dipped in the water. She had a sixth sense that she was going to die,” sabi ng nagluluksang rescuer.
“She didn’t harm a single human being even when she ran in searing pain in the streets of the village. She didn’t crush a single home. This is why I said, she is full of goodness,” hinaing pa nito.
Iniimbestigahan na ang nangyaring krimen at nangako ang awtoridad na pananagutin ang may kagagawan nito.
Muli rin nilang ipinaalala ang bahagi ng Indian constitution na nagsasabing tungkulin ng mamamayan na maging mabuti sa mga hayop.
“Article 51-A (g) of the Indian Constitution says that it shall be duty of every citizen of India to have compassion for living creatures,” anila.