Buntis na OFW na bumalik mula sa PH, nag-iisang active COVID-19 case sa Macau

Photo from Unsplash

Nagpositibo sa coronavirus disease ang isang buntis na overseas Filipino worker (OFW) na bumalik sa Macau matapos manggaling sa bakasyon sa Pilipinas, ayon sa opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ni DFA Undersecretary Brigido Dulay nitong Martes, na ang Pinay ang natatanging active COVID-19 case sa Macau sa kasalukuyan, batay sa ulat ng Philippine Consulate General (PCG).

“Our consulate is monitoring the condition of our OFW through Macau health authorities,” dagdag ng opisyal.


Sa ngayon, mayroong 46 COVID-19 cases ang Macau, 45 rito ay gumaling na.

Sa huling tala naman ng DFA, 8,679 na ang bilang ng overseas Filipinos na tinamaan ng virus.

Facebook Comments