Nakapagtala na ang Philippine Red Cross ng 300 mga indibidwal na humingi nang kanilang medical assistance kaugnay sa isinasagawang Traslacion ng Itim na Poong Nazareno.
Ayon kay Jaylord Abrigado, Safety Services Manager ng Philippine Red Cross sa bilang na mga 300 na mga binigyan nilang medical assistance ay 92 ay nagtamo ng minor injuries habang 2 ang major cases.
Ang dalawang major cases aniya ay ang buntis na kabuwanan na ay nahilo habang nakikiisa sa Translacion.
Ang isa naman ay batang nadulas at nabagok ang ulo.
Kapwa dinala na ang dalawang pasyente sa Philippine General Hospital (PGH).
Sa ulat pa ni Abrigado, karamihan sa mga ay nasugatan ng paa dahil nakayapak lamang ang mga deboto habang naglalakad naka-apak ng basag na bote at matalim na bato.
May nakaranas naman ng panghihina, pagsusuka, paninikip ng dibdib.
Tiniyak naman ni Abrigadona handa ang kanilang hanay na patuloy na magbigay ng medical assistance hanggang matapos ang Traslacion ng Itim na Poong Nazareno.