X-ray machine bago makapasok ng Quiapo Church, tatanggalin sa oras na mangyari na ang pagdungaw

Tatanggalin na ang mga X-ray machines at conveyor sa entrada ng Quiapo Church na matatagpuan sa Kalye Villalobos.

Ayon kay PLtCol. Leandro Gutierrez Station 3 Sta. Cruz Commander, sa oras na magtagpo na o dumungaw na ang imahen ng Del Carmen de San Sebastian at Poon ng Itim na Nazareno sa Plaza del Carmen ay sisimulan nang baklasin ang 2 X-ray machines.

Ani Gutierrez, 2 oras kasi bago matanggal ang mga makinang ito.


Paliwanag pa ng opisyal kailangan itong baklasin sapagkat dadagsa ang mga deboto sa Quiapo Church sa oras na ibabalik na ang Poon sa simbahan.

Naging malaking tulong ang mga X-ray machines dahil dito nakumpiska ng mga awtoridad ang mga matutulis at bladed weapons tulad ng lighter, gunting, swiss knife, knuckles at workers tools.

Samantala, kumpyansa si Gutierrez na bago mag- alas 7 ng gabi ay maibabalik na ang Nazareno sa simbahan ng Quiapo kahit na nagbabagal sa mga maliliit na eskenita.

Facebook Comments