Buntis, nakunan matapos lumindol sa Kidapawan

Nalaglag ang dinadala ng isang babae dahil sa 200 aftershocks sa southern city ng Kidapawan matapos ang isang malakas na lindol na tumama sa Mindanao.

Batay sa ulat ng opisyal, nasa 6.3 magnitude ang lakas ng lindol 22 kilometro ang layo mula southeast ng bayan ng Tulunan noong gabi ng Miyerkules na nag-iwan ng 4 kataong patay at 60 sugatan.

Nagdulot rin umano ng pagkabitak ng mga lupa at pagkawala ng kuryente sa Mindanao ang pangyayari.


Ayon kay Psalmer Bernalte, head ng disaster office ng Kidapawan, “Iyong isang buntis, nag-miscarriage… Nalaglag lang iyong kaniyang baby dahil na-shock [noong] nagkaroon ng lindol.”

Naiulat ding sugatan ang dalawang residente dahil sa mga aftershocks na nangyari.

“More than 200 aftershocks na iyong naramdaman natin,” dagdag pa ni Bernalte.

Giit naman ni Renato Solidum, head ng Philippines seismic agency, malakas at maaaring makapagdulot ng matinding pinsala ang aftershock.

Sabi niya, “Aftershocks can happen. Some can be felt most likely in low intensities. But we cannot remove the possibility of similar intensities that can be felt in the epicentral area.

Samantala, nilikas na ang mga residente ng mountain village ng Ilomavis sa Kidapawan dahil sa mga bitak ng lupa.

Facebook Comments