
Nasawi ang isang buntis matapos na pagsasaksakin at iwan sa basurahan ng sarili nitong ka-live in partner sa Tondo, Maynila.
Ayon sa opisyal ng barangay, natagpuan nila ang biktima ilang oras matapos ang krimen.
Nang kanilang i-review ang CCTV, nakita nila ang suspek na inilalabas mula sa side car ang katawan ng biktima pababa patungong basurahan sa gilid ng kalsada.
Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng ilang mga saksak sa katawan ngunit idineklara itong dead-on-arrival.
Agad namang nagkasa ng follow-up operations ang mga operatiba at natunton ang suspek sa Baliwag, Bulacan matapos na magtago ng isang araw.
Napag-alaman din na labas-masok sa kulungan ang suspek na sangkot sa ilegal na gawain kabilang na ang pangho-hostage sa bahagi ng Recto noong nakaraang buwan.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Manila Police District-Homicide Section ang suspek na mahaharap sa kasong murder habang inaalam pa ang tunay na motibo sa nangyaring krimen.