
Nasa dalawang lugar sa bansa ang planong ilagay ngayon sa Commission on Elections (COMELEC) control.
Sa pahayag ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, hindi pa niya mabanggit kung anong lugar ang mga ito dahil hinihintay pa niya ang kumpletong report ng binuong security cluster.
Aniya, makikipagpulong ang COMELEC sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) bukas, April 11, 2025 para pag-usapan ang sitwasyon ng peace and order sa bansa kaugnay ng nalalapit na 2025 national and local elections.
Dito ay malalaman at makakapagdesisyon sila kung ano pang mga lugar ang maaaring ilagay sa COMELEC control.
Paliwanag pa ni Garcia, bukod sa PNP, AFP at Philippine Army, may mga tauhan din ang COMELEC na nagsasagawa ng sariling assessment para matukoy ang ilang lugar na may karahasan na may kaugnayan sa halalan.
Matatandaan na una nang inilgay sa COMELEC control ang Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte matapos mapatay sa ambush ang isang election officer.