Buntis, Patay sa Tuklaw ng Ahas; Sanggol sa Sinapupunan, Himalang Nakaligtas

Cauayan City, Isabela- Isang milagrong maituturing ang pagkakasalba sa buhay ng isang sanggol matapos matuklaw ng ahas ang ginang sa Diffun, Quirino.

Una rito, isinugod sa District hospital ang buntis na Ginang matapos matuklaw ng makamandag na ahas kaninang umaga.

Sa paunang pagsisiyasat ng mga sumuring duktor, wala ng palatandaan ng buhay ang Ginang at idineklarang Dead on Arrival sa pagamutan.


Batay sa assessment ni Dr. Moises Lazaro, Chief of Hospital, agad na isinailalim ang Ginang sa post-mortem caesarean kung saan ang sanggol ay nag-aagaw buhay hanggang sa matagumpay na naisalba ang buhay ng bata.

Sa kasalukuyan ay nasa Newborn Intensive Care Unit ang sanggol na patuloy na inoobserbahan.

Facebook Comments