Manila, Philippines – Nananatiling buo at matatag ang PDP Laban at hindi apektado ng pagpapalit ng liderato ng mababang kapulungan.
Ito ang tiniyak ni PDP Laban Presidnet Senator Koko Pimentel makaraangg mapatalsik ang Secretary General ng partido na si Pantaleon Alvarez bilang House Speaker.
Ayon kay Pimentel, bagama’t nalulungkot ay masaya din sila kahit papaano dahil bahagi din ng PDP laban si bagong house Speaker Gloria Arroyo.
Sa kabila ng nangyari kay Alvarez ay sinigurado din ni Pimentel na walang magiging pagbabago sa mga opsiyal ng PDP laban dahil hindi naman sila nakatutok sa mga personalidad o mga posisyon kundi sa kung ano ang kanilang nagawa at naiambag sa mga programa ng partido.
Diin pa ni Pimentel, hindi rin papaapekto at matitinag ang PDP laban, sa mga balita na marami sa kanilang mga miyrmbro ang Plano ng kumalas matapos mapatalsik bilang lider ng Kamara si Alvarez.