DADATING NA | Ricardo "Ardot" Parojinog, nakatakda nang dumating sa bansa bukas

Manila, Philippines – Posibleng dumating na sa bansa si Ricardo Ardot Parojinog bukas mula sa bansang Taiwan.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Aniya may pinirmahan na siyang travel order para sa unit na susundo kay Ardot sa Taiwan.


Ang mga unit aniya na ito ay CIDG, PNP intelligence Group at Directorate for Intelligence na aalis bukas ng madalin araw at posibleng bumalik rin bukas ng gabi.

Wala na rin aniya magiging problema sa pagkuha kay Ardot sa taiwan dahil naplantsa na ito ng Philippine at Taiwan Authority

Aniya maaring nagbayad ang kampo ni Ardot para mapaiksi ang kanyang tatlong buwan parusa nito dahil sa kasong illegal entry.

Pag dating sa Pilipinas dadalhin agad sa Ozamis Court si Ardot para sa return of warrant ngunit kung iutos ng korte na manatili ito sa kustodiya ng PNP for security reason ay mananatili ito sa PNP Custodial Center.

Si Ardot ay kapatid ni Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog na sangkot umano sa transaksyon ng iligal na droga na nasawi matapos manlaban sa mga pulis nang salakayin ang kanilang bahay sa Ozamis City.

Facebook Comments