Buong Cast ng ‘Ang Probinsyano’, Magiging bisita sa Bambanti Festival 2019!

4341

Magiging bisita sa nalalapit na Bambanti Festival 2019 ang actor na si Coco Martin kasama ang buong cast ng teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ito ang inihayag ni Ginoong Romy Santos, media Consultant ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela base na rin sa inianunsyo ni Provincial Administrator Atty. Noel Lopez sa ginawang flag raising ceremony sa Provincial Capitol.

Ayon kay Ginoong Santos, nakatakdang dumating sa sabado, January 26, 2019 ang buong cast ng “Ang Probinsyano” at magtatanghal kinagabihan ng nasabing araw kasama ang iba pang mga mang-aawit.

Abala na rin anya ang karamihan para sa paghahanda sa naturang selebrasyon at marami na rin ang mga nagtitinda ng ibat-ibang produkto sa harap ng Queen Isabela park habang nagtatayo na ang ibat-ibang LGU’s ng kanilang Bambanti booth para sa Agri Eco-Tourism Exhibit and Sale, libreng medical at dental mission at iba pang mga aktibidades na inihanay sa anim na araw na pagdiriwang ng Bambanti festival.

Inalerto naman ang mga alagad ng batas katuwang ang iba pang mga ahensya para sa seguridad sa gaganaping Bambanti sa Provincial Capitol ng Isabela na magsisimula sa Enero 21 hanggang Enero 26, 2019.

Facebook Comments