Buong detalye kaugnay sa ipamimigay na HMO cards sa mga pulis, pinapasapubliko ng isang kongresista

 

Pinuri ni Bohol 3rd District Representative Kristine Alexie Tutor ang mabuting intensyon ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil sa pagbibigay ng libreng health maintenance organization o HMO card sa mga pulis.

Gayunpaman, ayon kay Tutor ay mas mainam na ilabas ni Marbil ang buong impormasyon kaugnay sa HMO card na sasagot sa hanggang ₱40,000 na medical expeses ng mga miyembro ng PNP.

Pangunahing nais ni Tutor na maisapubliko ay ang kontrata hinggil dito na dapat ay umaayon sa kasalukuyang government procurement laws and regulations.


Sabi ni Tutor, dapat ding masagot kung magkano ang HMO contract kung nabayaran na ba ito at saan galing ang pondo.

Dagdag ni Tutor, dapat maidetalyeng mabuti ang coverage ng nabanggit na HMO at kung naipaalam o dumaan ba sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.

Paliwanag ni Tutor, kung mapapatunayang ligal at dumaan sa tamang proseso ang pagkuha ng PNP sa naturang HMO ay maaariitong tularan ng iba pang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments