Saturday, April 4, 2026

Kaligtasan ng mga Pilipino sa Middle East, dapat patuloy na tutukan ng gobyerno

Iginiit nina Representatives Dadah Kiram Ismula ng Akbayan at Jude Acidre ng Tingog Party-list sa pamahalaan na huwag bibitiw sa pagtutok at pagtiyak sa kaligtasan ng mga Pilipino sa Gitnang Silangan kung saan nananatili ang tensyon.

Ayon kay Ismula dapat may agarang tulong ang pamahalaan sa mga Overseas Filipino Worker na apektado ng kaguluhan sa Middle East.

Diin ni Ismula, sa pamahalaan lalo na sa Department of Foreign Affairs (DFA) na siguraduhing nakalatag na ang lahat ng emergency protocols at evacuation plans para sa mga apektadong Pinoy.

Pinuri naman ni Acidre ang DFA, Department of Migrant Workers (DMW), at mga embahada ng Pilipinas sa mabilis na pagkilos at pag-asiste sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong.

Kasabay nito ay pinayuhan ni Acidre ang ating mga kababayan sa mga apektadong lugar na manatiling bukas ang komunikasyon sa Philippine authorities at mahigpit na sumunod sa mga abiso ng pamahalaan.

Facebook Comments