Buong Gabinete, Pinulong Ni Pangulong Duterte

8

MANILA – Pinulong kahapon ni pangulong rodrigo duterte ang kanyang gabinete sa palasyo ng Malacañang.Kabilang sa mga nagpag-usapan ay ang highlights ng kanyang biyahe sa Vietnam noong nakaraang linggo.Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar, kasama rin sa agenda ng ika-pitong cabinet meeting ng pangulo ang crop farming system para sa mga lokal na pamahalaan.Napag-usapan din ang framework ng Philippine Development plan 2017 to 2022 at ang magiging national security policy ng administrasyon.Samantala, Sa Oktubre 7 ng tanghali papatak ang unang isang daang araw ng Duterte administration.Ayon kay PCO Asec. Ramon cualoping, may dalawang oras na presentatation ang ipapalabas ng rtvm at mapapanood sa PTV 4 simula alas tres y media ng hapon na susundan ng ulat sa bayan ni Pangulong Duterte.Pero ayon sa ilang opisyal ng PCO, isinasapinal pa nila ang mga aktibidad para sa ika-isang daang araw ng Duterte administration.

Facebook Comments