Planong Kudeta Laban Kay Pangulong Duterte, Kinumpirma

5

MANILA – Kinumpirma ni Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco Jr. na buhay na buhay ang planong kudeta para mapatalsik sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.Sinabi ni Sec. Evasco, na ayon sa kanyang “reliable source” sina Sen. Antonio Trillanes at ilang taga-Liberal Party ang umano’y nasa likod ng planong kudeta.Ayaw naman ibunyag ni Evasco kung sino ang nagbigay sa kanya ng impormasyon.Matatandaang, mismong si Pangulong Duterte ang nagsabing hindi siya natatakot sa bantang kudeta dahil hindi siya takot mawalan ng pwesto.Samantala… Sineseryoso ng Armed Forces of the Philippines ang mga report na tangkang kudeta kay Pangulong Duterte.Ayon kay AFP Spokesperson Restituto Padilla, patuloy pa nilang beniberipika ang nasabing report at kanila itong aaksyunan.

Facebook Comments