Buong implementasyon ng QR Philippines, posible na ngayong taon

Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na magiging buo na ang implementasyon ng QR Philippines ngayong 2021.

Ayon kay Mamerto Tangonan, Deputy Governor ng Payments and Currency Management Sector ng BSP, mula sa naitalang P1 milyong halaga ng transaksyon noong November 2019, lumago na ito sa P661 million nitong April 2021 na mayroong 72,000 na transaksyon.

Dahil dito, magiging pilot na ang QR PH sa pagbabayad katuwang ang pito pang pinansiyal na institusyon na nais itong magamit.


Nabatid na nitong November 2019, ginagamit na ang QR PH sa person to person o P2P na pagbabayad na kadalasang ginagawa sa restaurants, pharmacies, supermarkets, hardware at department stores

Facebook Comments