Tagaytay, hindi direktang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal – Phivolcs

Tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nananatiling ligtas pumasyal sa Tagaytay.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum Jr., hindi direktang apektado ang Tagaytay sa sitwasyon ng Bulkang Taal.

Walang volcanic smog ang pumupunta sa direksyon ng Tagaytay, kaya maaari pa ring bumisita ang mga turista sa lugar.


Pagtitiyak ng Phivolcs na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon ng bulkan sakaling lumala ito.

Facebook Comments