Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Leila De Lima na isapublikoang buong katotohanan ng pag arbor ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Supt.Marvin Marcos at sa mga kasamahan nito sa Criminal Investigation and DetectionGroup o CIDG region 8 na bumaril at nakapatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Magugunitang sinuspinde noon ni PNP Chief general RonaldBato Dela Rosa sina Marcos pero pinabalik ito ni Pangulong Duterte sa pwesto.
Bingyang diin ni De Lima na karapatan ng taong bayan namalaman ang totoong istorya sa naturang hakbang ng pangulo pabor sa mgapumaslang kay Mayor Espinosa Espinosa habang nakaditine sa Baybay SubProvincial Jail.
Ang pahayag ni De Lima ay kasunod ng pangako ni PresidentDuterte na pagkakalooban ng pardon ang grupo ni Marcos sakaling mahatulan itongguilty sa naturang krimen.
Binigyang diin ni De Lima na mali at nakakabahala angnasabing plano ng pangulo at nagsusulong ito ng kultura kung saan nababalewalaang umiiral na batas sa bansa.