Buong Metro Manila, makararanas ng pag-ulan dahil sa Low Pressure Area

Manila, Philippines – Makakaranas ang buong Metro Manila ng pag-ulan dahil sa Low Pressure Area.

Ang LPA ay may layo na 250 kilometers west ng Ambulong, Batangas ngunit ayon sa PAGASA ay malabo itong maging bagyo.

Sa Bicol Region kabilang ang lalawigan ng Cavite, Batangas, Mindoro at Palawan ay makakaranas ng isolated rainshower at thunderstorm na maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.


Kaya naman nagpaalala ang pagasa sa mga residente ng nasabing mga lugar na mag-ingat at manatili na lamang sa kanilang mga tahanan.

Ang agwat ng temperatura dito sa Metro Manila ay 25 hanggang 34 degrees celsius.

Samantala, kinansela naman ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang dalawang domestic flights dahil sa masamang panahon.

Ayon sa miaa media affairs office kanselado ang biyahe ngayong araw, (June 10, 2017) ng sumusunod: CEBGO DG 6041 – Manila to Busuanga at DG 6042 – Busuanga to Manila.

Sunrise: 5:26am
Sunset: 6;24pm
DZXL558

Facebook Comments