Buong shipment ng mga bagong riles para sa MRT-3, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ng mas maaga sa nakatakdang petsa ang delivery ng mga bagong riles para sa MRT-3.

Dumaong na ang barko sa Port of Manila lulan ang 4,053 piraso ng riles na ang bawat isa ay may habang 18 meters.

Mula sa daungan, ang mga Japanese made na riles ay dadalhin sa tracks laydown yard malapit sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX bilang paghahanda ng installation activities.


Kapag nakumpleto na ang pagdating ng iba pang rail parts na inaasahan sa buwan ng Oktubre, agad nang pasimulan ang pagpapalit ng riles sa MRT-3 mainline sa buwan ng  Nobyembre.

Pagtiyak pa ng MRT-3 management, para manatiling tuloy-tuloy ang train service isasagawa ang rail replacement works tuwing non-operating hours ng tren.

Kapag napalitan na ng bagong riles ang MRT mainline mababawasan na nito ang excess vibration o pagkatagtag ng mga bagon na dahilan ng pagkakasira ng mga electrical at mechanical component na siyang nagiging sanhi ng train breakdown.

Ang pagbili at pagpapalit ng mga riles ay bahagi ng komprehensibong rehabilitasyon ng MRT-3 upang maibalik sa high grade design condition ang railway.

Facebook Comments