Buong suporta ng Indonesia sa Pilipinas sa paglaban sa terorismo, welcome kay Duterte

Manila, Philippines – Nakausap na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Indonesian President Joko Widodo sa telepono.

Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Duterte na tatawagan niya si Pangulong Widodo dahil sa dami ng Indonesians na nakikipagbakbakan ngayon sa Marawi City kasama ang teroristang Maute Group.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, naging makabuluhan ang pag-uusap ng dalawang lider kung saan nagkasundo ang dalawa na paiigtingin pa ang pagtutulungan sa paglaban sa terorismo at violent extremism.


Sinabi ni Abella na tiniyak ni Pangulong Widodo kay Pangulong Duterte ang buong suporta ng Indonesia sa Pilipinas sa paglaban sa terorismo lalo na ang pagpapanumbalik ng kapayapaan at istabilidad sa buong Mindanao.

Welcome naman aniya kay Pangulong Duterte ang commitment ng Indonesia sa pagtulong sa Pilipinas.

Nabatid na nakausap ni Pangulong Duterte si Pangulong Widodo bandang 7:30 kagabi pero hindi nito nasabi kung gaano katagal ang naging paguusap ng dalawang Pangulo.

Facebook Comments