Performance ng Duterte administration, lagpak para kay Senator Trillanes

260

Manila, Philippines – Para kay Senator Antonio Trillanes IV, lagapak o epic failure ang unang taon ng Duterte administration sa lahat ng aspeto dahil walang natupad si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga ipinangako nito.

Ayon kay Trillanes, nananatili ang matinding traffic at ang aberya sa Metro Rail Transit o MRT, napakagulo na ng bansa at ang New People’s Army ay nakakapanggulo kahit may peace talks sa kanila ang gobyerno.

Nabawasan pa aniya ang trabaho, ang presyo ng bilihin ay patuloy sa pagtataas at papatayin din tayo unti unti sa mga buwis na planong itaas.


Diin pa ni Trillanes, sablay din ang war on drugs dahil patuloy ang operasyon ng droga – patunay nito ang mga serye pa rin ng mga nakukumpiska na hanggang bilyong pisong halaga ng droga sa bansa.

Facebook Comments