BUONG SUPORTA SA KRISTYANO | Opensiba ng NPA laban sa gobyerno, ititigil muna ngayong Holy Week

Manila, Philippines – Pansamantalang ititigil ng New People’s Army ang kanilang opensiba laban sa puwersa ang gobyerno ngayong panahon ng Kuwaresma.

Sabi ni Ka Oto, tagapagsalita ng guerilla front 16 ng NPA, base sa abiso ni Ka Ariel Montero ng Regional Operational Command ng Bagong Hukbong Bayan-Northeastern Mindanao Region, iniutos nito ang pansamantalang pagtigil sa kanilang mga opensiba laban sa pulisya at militar.

Magsisimula ito sa Marso 28 (Miyerkules Santo) hanggang Abril 1 o (Linggo ng Pagkabuhay) para ipakita raw ang kanilang buong pusong pagsuporta sa mga Kristiyano sa mapayapa at matagumpay na pag-obserba ng Holy Week.


Kasabay na rin ito sa nakatakda nilang pagdiriwang sa 49th founding anniversary ng BHB na nabuo noong Marso 29, 1969.

Pero nilinaw ni Ka Oto na kailangan pa rin nilang ipatupad ang aktibong depensa sa loob ng kanilang mga lugar na kanila umanong nasasakupan.

Facebook Comments