DISMISSED DRUG CASE | SOJ Aguirre, humingi ng dispensa sa mga pinaiimbestigahang piskal

87

Manila, Philippines – Humingi ng patawad si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa DOJ prosecutors na pina-iimbestigahan niya sa NBI kaugnay ng pagkakabasura sa drug case ng grupo nina Kerwin Espinosa at Peter Lim.

Ayon kay Aguirre, ang kanyang pagpapa imbestiga ay hindi lamang para sa proteksyon ng Office of the Secretary kundi maging ng mga piskal mismo.

Layon din aniya nito na mapatunayan sa publiko na wala silang tinatago at ang ginagawang desisyon ng DOJ prosecutos ay dumadaan sa tamang proseso.

Batid niya aniyang nasaktan ang mga pina iimbestigahan niyang piskal at maling pagdudahan niya ang integridad ng mga ito kaya humihingi siya ng patawad.

Iginiit din ni Aguirre na misinformed siya sa insidente kaya nagpaliwanag mismo siya sa Pangulong Duterte.

Facebook Comments