Bureau of Corrections, dumepensa sa ligalidad ng detention sa high profile inmates sa NBP

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Bureau of Corrections Director General Atty. Benjamin delos Santos na nakabitin pa ang planong paglalagay ng 100-million pesos na halaga ng jammers sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Ayon kay Delos Santos, sa ngayon ay patuloy pa ang negosasyon sa naturang proyekto at wala pang bidding bagamat may estimated na halaga na ng proyekto.

Kumpiyansa naman si delos Santos na ang jammers ang makakapagpahinto sa drug trade sa loob ng NBP.


Sa ngayon aniya kasi ang Building 14 pa lamang ang may jammers kung saan nakakulong ang high profile inmates.

Facebook Comments