Bureau of Corrections, kinumpirma na may bago nang tropa ng SAF sa New Bilibid Prisons

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Bureau of Corrections ang pag-take over ng bagong batalyon ng PNP Special Action Force sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Ayon sa BuCor,isang daan at apatnapu’t isang tauhan ng SAF ang nag-take over noong Linggo sa NBP.

Ito anila ay pinamumunuan ni Batallion commander Police Supt. Darwin Padla.


Nilinaw naman ng Bureau of Corrections na ang pagdeploy ng bagong SAF troop sa NBP ay bahagi ng routine assignment.

Gayunman, inamin sa DZXL RMN ng isang BuCor official na may ilang tauhan ng SAF nga ang nadawit sa panunumbalik ng drug trade sa Bilibid.

Facebook Comments