Bureau of Corrections, tiniyak na ibabalik sa maximum compound ang 19 drug lords na nakakulong sa Bilibid

Manila, Philippines – Tiniyak ng Bureau of Corrections na tatalima sila sa direktiba ni Justice secretary Vitaliano Aguirre II na ibalik sa maximum compound ang labing siyam na drug lords na nakakulong sa New Bilibid Prisons.

Ayon kay Bucor Spokesman Martin Perfecto, hindi maaaring hindi nila sundin ang kautusan ng DOJ lalo na’t may ibinabang memorandum order sa kanila.

Hindi naman masabi ni Perfecto kung kailan nila ibabalik sa maximum compound ang labing siyam na drug lords na ngayon ay naka-detain sa Building 14 ng NBP.


Una nang ipinag utos ni Aguirre ang pagbabalik sa NBP maximum compound sa mga drug lords sa Bilibid.

Facebook Comments