Manila, Philippines – Bumuo ng Special Inspection Team (SIT) ang Bureau of Customs para sa ikabibilis ng pag-iinspeksyon ng mga shipments na nakatanggap ng alert order sa Port of Manila at Manila International Container Port.
Sinabi ni Edward Dy Buco, Deputy Commissioner for Assessment and Operation Coordinating Group, sa oras na makatanggap ng alert order ang isang shipment, bibigyan nila 24 oras ang sit para inspeksyunin at magsubmit ng report kaugnay sa mga perishable shipment, habang 48 oras naman ang ibibigay nilang palugit para sa iba pang klase ng mga shipment.
Binubuo ang SIT ng mga pinagsama-samang opisyal at representante mula sa Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS), Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG), Office of the District Collector, Special Studies and Project Development Committee at Port Operations Service and the Command Center.
Kaugnay nito, nakikipagugnayan na rin ang customs sa iba pang stakeholders, para sa ikaaayos pa ng trade facilitation at port operations sa bansa.
DZXL558