Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Bureau of Fire and Protection sa publiko na doblehin ang pag-iingat para maiwasan ang sunog lalo na ngayong tag-init.
Ito ay kasunod ng apat na magkakasunod na sunog sa northern part ng Metro Manila partikular sa C-5 Barangay Escopa III, Quezon City; Mindanao St. Malanday, Marikina City at sa Valenzuela City sa Sta. Monica compound at sa San Simon, Dalandan.
Ayon kay BFP spokesperson Ian Manalo, dahil sa tindi ng init ngayong panahon, posibleng ma-ignite nito at pagsimulan ng sunog ang mga light material tulad ng mga tuyong dahon at mga palyadong linya ng kuryente.
Pinaalalahanan din nito ang publiko na suriin ang mga electric appliances kung ligtas pa ba itong gamitin para makaiwas sa sunog.
Facebook Comments