Nakahanda na ang Bureau of Immigration (B.I) sa pagpasok ng mga banyagang turista sa bansa.
Ito ay kasunod nang pagbubukas muli ng border ng Pilipinas sa lahat ng foreign travelers mula sa iba’t ibang mga bansa simula Abril 1.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na nag-full force na ang kanilang deployment sa mga paliparan.
Ibig sabihin 100% na aniya ang deployment ng kanilang mga tauhan upang matiyak na makapagbibigay ng serbisyo sa mga byahero at matiyak na nasusunod parin ang health & safety protocols.
Ani Sandoval, operational narin ang mga electronic gates para magamit ng ating mga kababayan na uuwi sa bansa ngayong summer season.
Base sa pagtaya ng B.I, posibleng pumalo sa 12,000 o higit pa ang tourist arrivals pagsapit ng Abril.