Special vaccination days, ikakasa ng pamahalaan upang makamit ang 70-M fully vaccinated bago matapos ang Marso

Kumpyansa ang pamahalaan na makakamit ang target na 70-M fully vaccinated individuals bago matapos ang Marso.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Kezia Rosario, co-lead ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na ang pokus ngayon ng gobyerno ay pumunta sa mga lugar na sadyang mababa parin ang vaccination coverage.

Ayon kay Dr. Kezia, bago matapos ang buwan ay ikakasa ang special vaccination days upang tuluyang makamit ang target na 70-M fully vaccinated individuals.


Gagawin aniya ang special vaccination days sa Cebu province, Lanao del Sur, Region 12 at lahat ng probinsya ng BARMM.

Aniya, ang pamahalaan na mismo ang maglalapit ng bakuna lalo na sa mga liblib na lugar upang mabigyan ng proteksyon ang publiko laban sa COVID-19.

Maliban dito, pokus din nilang bakunahan ang mga due na para sa kanilang 2nd dose gayundin ng booster dose.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), nasa halos 65-M na mga Pilipino na ang fully vaccinated.

Facebook Comments