Bureau of Immigration, hinamon ng senador na higpitan pa ang pagsala sa mga dayuhang kriminal na pumapasok sa bansa

Hinamon ni Senador Sherwin Gatchalian ang Bureau of Immigration (BI) na magpatupad ng mas mahigpit na hakbang para masala ng maayos ang mga dayuhang kriminal na pumapasok sa bansa.

Partikular ang mga dayuhan na pumapasok ng Pilipinas para magtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na kilala ngayon bilang Internet Gaming Licensees (IGL).

Ayon kay Gatchalian, sa tuwing may nare-raid na POGO, palaging mayroong natutuklasan na puganteng wanted sa kani-kanilang mga bansa.


Tinukoy ng mga Chinese, Taiwanese, Africans at iba pang Asian nationals na nagtatrabaho ngayon sa mga POGO.

Duda rin ang senador dahil palipat-lipat lamang ng lugar sa bansa ang mga dayuhang kriminal na nakapuslit sa Immigration.

Facebook Comments