Bureau of Immigration, hindi sisingilin ng overstaying fees ang mga dayuhang naapektuhan ng flight cancellation

Hindi muna papatawan ng Bureau of Immigration (BI) ng overstaying fees ang mga dayuhang naapektuhan ng flight suspension sa NAIA kasunod ng ash fall na dulot ng Bulkang Taal.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente – ang nangyari ay isang natural disaster na wala sinuman ang gustong makaranas nito.

Paglilinaw naman ni Post Operations Division Chief Grifton Medina – sakop lamang ng waived overstaying fees ang mga pasaherong nakatakda sanang umalis nang mangyari ang airport closure.


Upang ma-exempt mula sa overstaying charges ay kailangang magpakita ng mga sumusunod:

  • Boarding pass
  • Outbound ticket na may petsang January 12 o 13, 2020
  • Canceled immigration departure stamp

Hindi naman kasama sa exemption ang mga may hawak ng visa na matagal nang napaso.

Facebook Comments