Manila, Philippines – Iginiit ng Bureau of Immigration na hindi nila maaring piliting bumalik ng bansa ang Davao Death Squad leader na si dating SPO3 Arturo Lascañas.
Ito’y matapos hindi bumalik sa bansa si Lascañas nitong April 22 kung saan ito ang petsa ng kanyang return flight mula sa naging biyahe nito sa Singapore.
Ayon kay Immigration spokesperson Atty. Antonette Mangrobang – wala namang kasong kinakaharap si Lascañas.
Bukod dito, wala ring Hold Departure Order (hdo) at Immigration lookout bulletin order laban dito.
Pero sinabi ni Mangrobang – sakali man aniyang lumagpas pa sa 30-araw na panahon ang pananatili ni Lascañas sa Singapore at hindi ito makakuha ng extension ay doon palang ay posible siyang magkaroon ng paglabag sa immigration laws ng Singapore.
DZXL558