Bureau of Immigration, lalo pang naghigpit sa screening ng mga dayuhang nagpapanggap na may asawang Pinay

Lalo pang hinigpitan ng Bureau of Immigration ang kanilang pagsala sa mga dokumento ng mga dayuhang pumapasok sa bansa matapos matuklasan na ilang mga dayuhan ang nagpapanggap na asawa ng mga Pinay para makalusot sa Immigration.

Inatasan na ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang paliparan sa bansa na suriing mabuti ang lahat ng mga dokumento ng mga papasok na foreign nationals dahil sa posibleng pagprisinta ng mga pekeng marriage certificates.

Ayon kay Morente, hindi sapat na makapagpakita lamang ang isang dayuhan ng entry visa at birth certificate at marriage certificates.


Ginawa ng Immigration ang paghihigpit kasunod na rin ng ipinatutupad na restrictions o pagbabawal sa pagpasok sa bansa ng mga dayuhang turista subalit exempted sa ban ang mga foreigner na ang asawa ay Pinoy o mayroong anak na menor de edad at may special needs.

Facebook Comments