Bureau of Immigration, may karagdagang requirements sa mga Pinoy na bibiyahe sa abroad

Lalo pang maghihigpit ang Bureau of Immigration (BI) sa mga Pilipinong tutungo sa ibang bansa.

Partikular sa mga hindi Overseas Filipino Workers (OFWs) at hindi permanent residents sa abroad.

Kabilang sa bagong requirements ng BI ay confirmed return ticket para sa mga may tourist visas, travel at health insurance sa kanilang rebooking at accommodation expenses kung sila ay ma-stranded o maospital sakaling tamaan ng COVID-19 sa ibayong dagat.


Dapat din anilang tiyakin na walang restriction ang pupuntahang bansa sa pagpasok ng mga Pilipino para maiwasan ang airport to airport deportation.

Kailangan din nilang lumagda sa deklarasyon na batid nila ang panganib sa kanilang pagbiyahe at pagbalik nila sa Pilipinas, sila ay sasailalim sa swab test at quarantine.

Facebook Comments