Manila, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko sa dumaraming kaso ng “online love scams”.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Krizia Sandoval – ang modus ay kinasasangkutan ng mga foreign nationals na kinakaibigan at liligawan ang mga babaeng pilipina.
Bukod pa rito, magpapadala rin ang dayuhan ng regalo sa mabibiktima nito at sa pamilya nito upang makuha ang tiwala nito.
Sa pagpunta ng dayuhan sa bansa, makakatanggap ang biktima ng tawag mula sa isang nagpapanggap na immigration officer para magpadala ng pera.
Kapag naipadala na ang pera, hindi na mako-contact ng biktima ang dayuhan.
Facebook Comments