Pinaghahandaan na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagdating sa bansa ng malaking volume ng international travelers.
Partikular ang Returning Overseas Filipinos (ROFs) lalo na ngayong nalalapit ang Kapaskuhan.
Kumpiyansa ang BI na mas marami nang mga Pinoy balikbayan at Overseas Filipino Workers (OFWs) ang uuwi ngayon ng Pilipinas lalo na’t marami na ang nabakunahan sa bansa.
Una na ring inihayag ng Department of Transportation (DOTr) ang plano nitong dagdagan ang arrival capacity sa bansa sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga alternatibong gateways sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark International Airport at Mactan-Cebu International Airport.
Facebook Comments