Bureau of Immigration, naghahanda na sa pagpapatupad ng travel ban sa mga pasaherong galing India

118

Mahigpit na isasailalim ng Bureau of Immigration (BI), sa screening ang mga pasaherong papasok sa mga paliparan ng bansa.

Sa harap ito ng pagsisimula bukas hanggang sa May 14 ng travel restrictions sa mga pasaherong manggagaling sa India.

Ayon sa BI, saklaw rin nito ang pasaherong magmumula sa ibang bansa pero may record na nagmula ng India sa nakalipas na 14 na araw bago ang travel ban ng April 29.


Sinabi naman ni BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong na sakop ng paghihigpit ang lahat ng lahi o nationality na magmumula sa India.

100% inspection aniya ang gagawin nila para matukoy ang travel history ng mga papasok sa bansa.

Facebook Comments