EMPLEYADO NG LGU, ARESTADO SA PAGTUTULAK NG DROGA

31

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang empleyado ng LGU Abulug sa Lalawigan ng Cagayan matapos mahulog sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Centro East, Ballesteros, Cagayan.

Kinilala ang suspek na High Value Target ng PDEA na si Jan Keneeson Bugaring na residente ng Centro, Abulug, Cagayan.

Nadakip si Bugaring ng pinagsanib-pwersa ng Philippine Intelligence Unit (PIU)/ Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU) Cagayan PPO, PDEA Batanes at Ballesteros Police Station.


Nakumpiska mula sa suspek ang isang (1) heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at ang isang libong piso na ginamit sa buy bust operation.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang kanyang kakaharaping kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments