Bureau of Immigration, naka-alerto laban sa mga sindikatong gumagamit ng fake DFA endorsements para sa pagpuslit ng mga pasahero

Naka-alerto ang Bureau of Immigration (BI) laban sa mga sindikatong gumagamit ng pekeng endorsements ng Department of Foreign Affairs (DFA) para makapagpuslit ng mga dayuhang pasahero sa bansa.

Sa harap ito ng mahigpit na pagbabawal ngayon ng pamahalaan sa pagpasok sa bansa ng mga dayuhan na walang mahalaga o official business sa bansa o mga dayuhang turista.

Ang pinahihintulutan lamang na pumasok sa bansa ngayon ay mga Pilipino, kanilang mga asawa at mga menor de edad na anak na may tourist visa.


Gayundin ang mga dayuhang bata na may espesyal na pangangailangan sa Pilipino, mga dayuhang magulang ng menor de edad na Pinoy at mga dayuhang magulang ng mga Pilipinong bata na may espesyal na pangangailangan na pumasok sa Pilipinas.

Pinapayagan din na makapasok ng Pilipinas ang mga accredited foreign government at international organization officials at ang kanilang dependents, mga dayuhang airline crew members, mga dayuhang seafarers na may visa at mga dayuhan na may long-term visa.

Facebook Comments