Apple Technology Company, magsasagawa ng event para sa ilalabas na 5G iPhone sa October 13

29

Pormal na ilulunsad ng Apple Inc. ang isang “Hi, Speed” event para ianunsiyo ang kanilang biggest product ngayong taon na magaganap sa October 13, 2020.

Kanilang iaanunsiyo ang apat na bagong disenyo ng iPhones with 5G wireless capability, upgraded cameras, faster processors at wider range ang screen sizes.

Ayon sa naturang kumpanya, ito na ang ikalawang produkto na ilalabas ngayong taon kasunod ng inilabas na bagong iPad air na inanunsiyo nito lamang setyembre kung saan, naurong umano ang paglabas sa kanilang mga produkto bunsod ng COVID-19 pandemic.

Bukod sa mga bagong iPhone, pinagpaplanuhan na rin ng Apple Company na ianunsiyo sa darating na Nobyembre ang Macs with Company’s own custom processors at ang over-ear headphones and physical device tracking tags na balak ipakilala sa maagang bilang ng taon.

Facebook Comments