Bureau of Immigration, naka-hightened alert na para sa undas at ASEAN Summit

Manila, Philippines – Isinailalaim ng Bureau of Immigration (BI) sa heightened alert ang lahat ng kanilang units sa iba’t-ibang ports of entry sa bansa.
Ito’y para sa matiyak ang seguridad sa all saints’ day holiday maliban pa sa paghahanda sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit meetings.
Ayon kay BI acting Spokesperson Grifton Medina, inatasan na nila ang lahat ng immigration officers sa lahat ng international airports at seaports nationwide na doblehin ang pagpapatupad ng mahigpit na screening sa mga biyahero.
Dagdag pa ni Medina, magsasagawa rin ng secondary inspection para sa mga foreigners na may kaduda-dudang layunin sa pagpasok ng bansa lalo na yung may mga kwestiyunableng travel documents.

Facebook Comments