Bureau of Immigration, nakikipag-ugnayan na sa Korean embassy kaugnay ng imbestigasyon sa pangongotong ng BI officers sa mga Koryano

Tiniyak ng Bureau of Immigration sa Korean community na inaaksyunan nila ang reklamo laban sa mga tiwaling immigration officers.

 

Tiniyak ito ng BI kasunod ng paglutang ng ilang mga Koreano na sinasabing ginipit at kinikilan ng ilang mga tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration.

 

Sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na seryoso ang kanilang kampanya laban sa illegal activities ng ilang immigration personnel.


 

Sinabi ni Sandoval na makikipag-ugnayan na rin sila sa Korean Embassy para lumutang ang mga sinasasabing naging biktima ng pangingikil para makumpleto ang detalye ng kanilang reklamo.

 

Humingi na rin anya ang BI ng tulong sa National Bureau of Investigation o NBI para sa hiwalay na imbestigasyon sa sinasabing pangingikil ng immigration officers sa ilang Koryano para hindi sila maipa-deport.

Facebook Comments