Pangulong Duterte aminadong may nagbabanta sa kanyang buhay

481

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong nagtatanggkang pumatay sa kanya.
Ito ang sinabing paliwanag ni Pangulong Duterte kung bakit mayroong bulletproof glass sa kanyang harapan sa kanyang dinaluhang campaign rally kagabi sa Malabon City.

Sinabi ni Pangulong Duterte na wala naman siyang magagawa kung ano ang ipatutupad na security measures ng Presidential Security Group dahil naniniwala siya na ang buhay ay swerte suwerte lang at kung talanga oras na niyang mamatay ay wala siyang magagawang pigilan ito.


Ayon sa Pangulo, hindi tumitigil ang kanyang security sa kapapayo na dapat siyang lumayo sa mga lugar na maraming tao na hindi naman niya nakasanayan dahil noong siya ay Mayor pa ng Davao City ay ito ang kanyang laging ginagawa.

Pero sinabi din naman ni Pangulong Duterte na ang pagtiyak sa kanyang kaligtasan ay parang pagbibigay narin ng seguridad at pagtiyak sa kaligtasan ng bansa pero hindi aniya nawawala sa kanyang isip na siya ay isa paring ordinaryong Pilipino.

Facebook Comments